Inilabas na panibagong terror threat ni Pangulong Duterte, hindi na bagong impormasyon – Lorenzana

Hindi na bago ang bantang terorismo na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, ang terror threat sa buong Mindanao at maging sa labas ng Mindanao ay hindi na bago at matagal na itong alam ng Armed Forces of the Philippines.

Kabilang dito ang ilang terror activities na nangyari noon sa Metro Manila, kaya kailangan na maging alerto ang lahat hindi lamang ang mga otoridad kundi maging ang bawat komunidad.

Sinabi pa ni Lorenzana na ang mga Filipino terrorist ay nakakabiyahe sa iba’t-ibang bansa lalo na sa mga lugar na target nilang maghasik ng terroristic activities.

Tiniyak naman ng Defense Chief na may ginagawang hakbang ang pamalaan lalo na ang intelligence community para maiwasan na malusutan ng masamang balakin ng mga terorista.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *