Mga residente ng Mindanao, binalaan ni Pangulong Duterte na huwag ulitin ang Marawi siege

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Muslim na huwag nang tangkaing ulitin pa ang nangyari sa Marawi City.

Ayon sa Pangulo, ayaw niya ng away at gulo kaya dapat na makipagtulungan sa pamahalaan ang mga Muslim at iba pang naninirahan sa Mindanao.

Sinabi pa ng Pangulo na malapit nang matapos ang kaguluhan sa Marawi kaya naghahanap na aniya ang pamahalaan ng malaking halaga para sa rehabilitasyon sa Marawi.

Kasabay nito, tiniyak ng Pangulo na hindi pababayaan ng pamahalaan ang mga taga-Marawi at ibabangon ang mga ito.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *