International runway ng NAIA, pansamantalang isinara dahil sa natuklasang lubak – MIAA

Pansamantalang isinara ang isang bahagi ng International runway ng Ninoy Aquino International Airport dahil sa natuklasang lubak.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority, dalawang lubak ang nakita sa international runway dahilan para ipatupad ang pagsasara nito.

Kinakailangang isailalim sa emergency repair ang sira sa runway na inaasahan ding matatapos agad ngayong hapon.

Nananatili namang bukas ang domestic runway ng paliparan para sa flight operations.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *