ISIS-Maute group, dalawang baranggay na lang ang hawak sa Marawi City – AFP

Dalawang barangay na lang ang hawak ng ISIS-inspired Maute group sa Marawi City at dito nakatuon ang kanilang atensyonpara tuluyan nang masugpo ang gulo sa lugar.

Ito’y ayon kay AFP Spokesperson Brigadier General Restituto Padilla sa harap na rin ng nagpapatuloy na opensiba ng militar laban sa mga teroristang grupo.

Dagdag pa ni Padilla, nauubusan na ang mga terorista ng ammunitions at kagamitan.

Umaabot na sa  522 Maute members at 119 na mga sundalo na ang  napapatay sa nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi City.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *