Isnilon Hapilon, posibleng wala na sa Marawi City

download
courtesy of wikipedia.org

Aminado ang militar sa Marawi City na hindi na nila namomonitor sa mismong war zone si Abu Sayyaf Leader Isnilon Hapilon na siyang itinuturing na amir sa Asya ng teroristang ISIS.

Ayon kay 1st Infantry Division at Task Force Marawi Spokesperson Lt. Col. Jo-ar Herrera na posibleng umalis na sa Marawi si Hapilon, subalit hindi pa ito kumpirmado.

Sinabi ni Herrera na bina-validate pa nila ang nasabing impormasyon dahil napag-alaman na hindi na umano si Hapilon ang nagco-command ngayon sa grupo.

Sa ngayon ina-alam na ng militar sa Marawi kung totoong nakalabas na ng Marawi si Hapilon.

Wala ring report ang militar kung kabilang sa casualties ng Maute terror group si Hapilon.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *