Isyu sa pagsisilbi ng arrest warrant ng Interpol mula sa ICC kay dating Pangulong Duterte, ipauubaya ng DFA sa law enforcement agencies

Ipinauubaya ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga law enforcement agency ang isyu ukol sa pagsisilbi ng arrest warrant ng Interpol mula sa International Criminal Court (ICC) laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, hindi na miyembro ang Pilipinas sa ICC kaya wala nang komunikasyon dito ang DFA mula nang kumalas ang bansa sa Rome Statute ng ICC.
Tumanggi muna ring magbigay ng pahayag si Manalo kung ano ang magiging papel ng DFA o ng gobyerno ng Pilipinas sa oras na magsimula ang paglilitis ng ICC laban sa dating presidente.
Sinabi ng kalihim, “I can’t speculate. We have to see how the events unfold but I think the best to ask are the agencies directly involved in this issue.”
Moira Encina-Cruz