Jobless Rate bahagyang naragdagan

Umakyat na ng 4.5 percent ang Unemployment Rate ngayong Setyembre mula sa 4.4 percent ng Agosto.

Dahil dito, sinabi ng Philippine Statistics Authority o PSA aabot na sa 2.26 million ang mga Pilipinong walang trabaho noong Setyembre.

Bahagyang mataas ito kumpara sa 2.21 million na Pilipinong walang trabaho noong Agosto.

Samantala, mula sa 10.7 percent ay umabot na sa 11.7 percent ang mga Pilipino na naghahanap ng karagdagang hanap buhay na may katumbas na bilang na 5.11 million.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *