Mga bagong halal na BSKE Officials sa QC, nanumpa

 Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang panunumpa ng mga bagong halal na Barangay at Sangguniang Kabataang Elections o BSKE na ginanap sa EVM Convention Center sa Quezon City.

Nanawagan naman ang Alkalde sa mga bagong halal na gawing totoong serbisyo publiko ang paglilingkod at huwag gawing titulo sa walang kuwentang bagay.

Iginiit pa ng Alkalde na madaling maglaho ang tiwala ng taong bayan sakaling mabigo sila sa ibinoto kung hindi naman gagampanan ng tama ang tungkulin sa Brgy.

Inihayag pa ni Belmonte na suportado ng pamahalaang Lungsod Quezon ang mga bagong halal na opisyal para sa mga ipagpapatuloy at isusulong na programa sa bawat brgy sa nasabing lungsod.

Isa aniya sa susi ng tagumpay ay ang pagkakaisa ng taong bayan at ng mga itinalagang opisyal sa bawat brgy sa Quezon City.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *