Justice Sec. Menardo Guevarra binalaan ang mga nagkakanlong kay Peter Advincula

May babala si Justice Secretary Menardo Guevarra laban sa mga nagkakanlong kay Peter Joemel Advincula na nagpakilalang si alyas Bikoy.

Ayon kay Guevarra, maaring maharap din sa kriminal na pananagutan ang mga nagbibigay proteksyon kay Advincula sa kabila ng pag-amin nito na sangkot ito sa illegal drug trafficking.

Si Advincula ay humarap noong Lunes sa pulong balitaan sa punong tanggapan ng Integrated Bar of the Philippines kung saan inihayag nito na siya si alyas Bikoy na lumabas sa Ang Totoo Narcolist  videos.

Una nang itinanggi ng IBP na itinatago nila si Advincula.

Ipinauubaya na rin ni Guevarra sa NBI o kaya sa PNP o PDEA ang mga kaukulang hakbang laban kay Advincula na umaming dawit sa iligal na droga at may kinakaharap na standing arrest warrants dahil sa iba pang kaso laban dito.

Nabatid na convicted si Advincula sa mga kasong illegal recruitment at estafa at may iba pang kinakaharap na kasong kriminal.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *