Justice Secretary Menardo Guevarra ipa-prayoridad ang pag-review sa mga naging aksyon ng DOJ sa kaso ng mga Drug personalities at ni Pork barrel scam Queen Janet Napoles

Ipa-prayoridad ni bagong Justice Secretary Menardo Guevarra ang pagrebyu sa mga naging aksyon ng DOJ sa mga kaso ng mga big time drug lords at ng tinaguriang pork barrel scam queen na si Janet Napoles.

Ayon sa kalihim, ito ay bunsod na rin interes ng publiko sa mga nasabing kaso.

Tumanggi si Guevarra na magkomento sa mga naturang  kaso dahil kinakilangan muna  niyang pag-aralang mabuti ang mga ito.

Kaugnay nito bumuo na ng legal team si Guevarra kasama ang mga beteranong abogado sa DOJ para rebyuhin ang mga kaso ng mga drug personalities at Napoles.

Una nang iniutos ni dating Justice secretary Vitaliano ang muling imbestigasyon sa kaso nina Peter Lim at Kerwin Espinosa matapos mabasura dahil sa kakulangan ng ebidensya habang isinailalim naman sa witness protection program si Napoles.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *