Mga turista at bakasyunista sa Baguio City, nagsisimula nang dumagsa

Nananatiling pampawi ng init ang tinaguriang Summer capital of the Philippines , ang Baguio city…

Mga magbabarkada, pami-pamilya ang dumarating sa lunsod mula pa sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila.

Mga pangunahing pasyalan sa Baguio gaya ng Burnham park, Minesview Park ang dinarayo ng mga bakasyunista.

Sa gabi naman ay dinadagsa ng mga turista ang Night market na kung saan makakabili ka ng iba’t ibang mga kagamitan gaya ng mga damit, sapatos at iba pa sa murang halaga.

Fully -booked na rin ang ilang mga hotels ganundin ang  mga transient homes.

Kasabay nito, mas pinahigpit ang seguridad na ipinatutupad ng PNP-Baguio sa mga pangunahing pasyalan upang masiguro na walang makalulusot na mga masasamang loob at maingatan ang seguridad ng mga bakasyunista.

Ang temperatura naman sa lunsod ay umaabot sa 15-to 18 Degree celsius pagdating ng hapon at gabi.

 

Ulat ni Earlo Bringas

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *