Justice Secretary Remulla nakaranas ng minor medical emergency

Hindi nakadalo sa pagdiriwang ng anibersaryo ng National Bureau of Investigation (NBI) si Justice Secretary Crispin Remulla makaraan na magkaroon ito ng minor medical emergency.

Ito ang inihayag ni Justice Undersecretary Jose Cadiz na kumatawan kay Remulla bilang guest of honor sa 87th founding anniversary ng NBI na ginanap sa isang hotel sa Maynila.

Ayon kay Cadiz, ipinabatid sa kaniya ng kalihim na kinailangan nitong magpunta sa ospital dahil sa minor medical emergency kaya hindi ito makapupunta sa NBI anniversary.

Nilinaw naman ni Department Of Justice (DOJ) Spokesperson Mico Clavano na walang dapat ipangamba sa kalagayan ng kalihim at epekto lang ito ng panahon.

Aniya, nakapasok na si Remulla sa tanggapan nito sa DOJ bago mag- 11 ng umaga.

Una nang sumailalim sa heart bypass procedure ang kalihim noong Hunyo.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *