Pagkakadawit ni dating PRRD sa destabilization effort laban kay PBBM, fake news- Bong Go

Tinawag na fake news ni Senador Christopher “Bong Go” ang impormasyon na may kaugnayan si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa umuugong na planong destabilisasyon ng mga retiradong heneral laban sa Administrasyong Marcos.

Ayon kay Go, bilang abogado, alam ng dating Pangulo ang tama at mali at iginagalang nya ang Rule of Law.

Sa pagkakakilala niya sa dating Pangulo, hindi nito nanaisin na masangkot sa anumang panggugulo sa administrasyon.

May intelligence community naman aniya ang bansa at sila mismo ang makakaalam kung sinu-sino ang posibleng nangunguna sa sinasabing destabilisasyon.

Idinepensa ni Go si Duterte at iginiit na nirerespeto ng dating Pangulo ang chain of command at ang pasya ng taong bayan.

Umapila rin si Go na tigilan na ang pagpapakalat ng maling impormasyon na gusto lang sirain ang relasyon ng dating Pangulo sa kasalukuyang administrasyon.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *