KADAMAY nagbanta na sasakupin ang iba pang housing project ng gobyerno

Nagbanta ang grupong KADAMAY o Kalipunan ng Damayang Mahihirap na uukopahin ang ilan pang nakatenggang housing projects ng gobyerno sa mga Bayan ng Bustos at Bocaue sa Bulacan.

Sinabi ni Kadamay Chair Gloria Arellano na ipinagpaalam na nila kay Pangulong Rodrigo Duterte ang muling pag-okupa  sa tatlong libong (3,000) kabahayan sa Bocaue at halos siyam na raang (900) bahay sa Bustos.

Mahigpit namang nakabantay ang mga awtoridad kasama ang mga residente sa Bocaue Heights at Bustos Heights Housing Projects.

Una nang inokupa ng KADAMAY ang limang libong kabahayan sa Pandi at San Jose del Monte sa probinsya rin ng Bulacan.

 

Please follow and like us: