Earthquake Drill, dapat seryosohin – NDRRMC

Iginiit ng National Disaster Risk Reduction Management Council na panahon na para seryosohin ng publiko ang mga earthquake drill.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan, patunay ang pagyanig noong isang gabi na maaaring tumama ang lindol anumang oras.

Mahalaga aniyang alam ng publiko ang mga dapat gawin oras na dumating ang sakunang ito.

Dahil dito hinikayat ni Marasigan ang publiko na sumali at seryosohin ang mga ikakasang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ng NDRRMC ngayong taon.

Please follow and like us: