Kaligtasan ni Senadora de Lima tiniyak ng Malakanyang

index (1)

Pinawi ng Malakanyang ang pangamba ni Senadora Leila de Lima habang nakakulong sa Philippine National Police Custodial Center sa Kampo Crame.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na mismong si PNP Chief Director General Ronald dela Rosa ang gumagarantiya sa kaligtasan ni de Lima.

Ayon kay Abella malabong mangyari ang kinatatakutan ni de Lima na baka matulad siya kay Albuera Leyte Mayor Rolando Espinoza na napatay habang nasa loob ng Leyte Provincial Jail at sa Korean businessman na si Jee Ick Joo na pinatay ng mga pulis sa loob ng Kampo Crame.

Inihayag ni Abella na makakaasa ng proteksyon ng PNP si de Lima habang dinidinig ang kanyang kaso na may kaugnayan sa ilegal na droga.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us: