Kasabihang kung ano ang itinanim iyon ang aanihin natupad kay Sen. de Lima ayon sa malakanyang

 

Screenshot_2017-02-24-09-00-48-1

Inaani na ni Senadora Leila de Lima ang  itinanim noong kalihim pa ito ng Department of Justice o DOJ.

Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo dapat mapag isip-isip ni  de Lima na bumabalik lamang sa kanya ang ginawa nitong pagmamalabis noon.

Ayon kay Panelo ganito rin ang ginawa ni de Lima kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na kahit wala pang kaso at warrant of arrest ito ay ipinakulong at pinagkaitan ng due process ng Senadora.

Binigyang-diin naman ni Panelo ang kaibahan lang sa ilalim ng Duterte Administration dumaan sa tamang proseso ang ginawang pag-aresto kay de Lima kaugnay ng kasong kinakaharap nito na may kinalaman sa illegal drug trade sa NBP.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us: