Kaso ng pagdukot at pagpatay sa negosyanteng si Anson Que, itinuturing nang case solved ng PNP

0
Kaso ng pagdukot at pagpatay sa negosyanteng si Anson Que, itinuturing nang case solved ng PNP

Itinuturing nang case solved ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang kaso ng pagdukot at pagpatay sa negosyanteng si Anson Que at driver nito na si Armanie Pabillo.

Photo courtesy: PNP PIO

Kasunod ito nang kusang-loob na pagsuko ng isa sa mga pangunahing suspek na si David Tan Liao, at sa pagkaka-aresto sa mga kasabwat nyang Pinoy na sina Raymart Catequista at Richard Tan Garcia, sa Palawan.

Photo courtesy: PNP PIO

Ayon kay General Marbil, inaasahan na tutukuyin na rin ngayong linggo at sasampahan ng kaso ang mastermind sa likod ng krimen na syang kumontrata kay David Tan Liao.

Photo: PNA

Una nang sinabi ni PNP Spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo, na may tinitingnan na silang mga indibidwal na posibleng utak sa pagdukot at pagpatay sa negosyante.

May sinusundan na rin aniya silang motibo sa pagpatay na ayaw munang ipabanggit ng pamilya ng biktima.

Para kay General Marbil, hindi random kidnapping ang nangyari sa negosyanteng si Que.

Photo: Office of the Chief PNP FB

Ito aniya ay maituturing na contract-based crime, kung saan tinatarget ang mga biktima na may hindi nabayarang utang, pagtatraydor o internal conflicts.

Kasunod ng pagsuko ni Liao, inaasahan na mareresolba rin ang 5 pang kaso ng kidnapping na kinasasangkutan nya.

Kabilang dito ang insidente noong November 2022 sa Muntinlupa, Feb. 3, 2024 malapit sa Solaire Resort and Casino, August 2024 sa Pasay, December 2024 sa Muntinlupa at kidnapping case noong February 2025 sa Parañaque city.

Mar Gabriel

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *