Hindi bababa sa 38 patay sa pag-atake ng US sa Yemen fuel port – Houthi media

Fuel tanks burn following, what Al Masirah TV said, was a U.S. strike on the Ras Isa fuel port, Yemen, in this screengrab from a handout video released on April 18, 2025. Al-Masirah TV /Handout via REUTERS
Hindi bababa sa 38 katao ang nasawi sa pag-atake ng U.S. sa Tas Isa fuel port sa sa western Yemen, na ayon sa Houti-run media ay isa sa pinakamapanuksa simula nang umpisahan ng Estados Unidos ang mga pag-atake sa Iran-backed militants.
Ayon sa Al Masirah TV, ang mga pag-atake na ayon sa U.S. military ay naglalayong putulin ang pinagkukunan ng fuel ng Houthi militant group, ay naging rin ng pagkasugat ng 102 katao.

A fuel tank burns following, what Al Masirah TV said, was a U.S. strike on the Ras Isa fuel port, Yemen, in this screengrab from a handout video released on April 18, 2025. Al-Masirah TV /Handout via REUTERS
Hindi naman agad tumugon ang Pentagon nang hingan ng komento tungkol sa bilang ng mga namatay na ibinigay ng Houthis.
Sa kanilang post sa X, sinabi ng U.S. Central Command, “The objective of these strikes was to degrade the economic source of power of the Houthis, who continue to exploit and bring great pain upon their fellow countrymen.”
Matatandaan na sinimulan ng Estados Unidos ang malawakang pag-atake laban sa Houthis noong isang buwan, at sinabing hindi ito hihinto hangga’t hindi tumitigil ang mga militante sa pag-atake sa Red Sea shipping.

Fire and smoke rise next to charred vehicles following, what Al Masirah TV said, was a U.S. strike on the Ras Isa fuel port, Yemen, in this screengrab from a handout video released on April 18, 2025. Al-Masirah TV /Handout via REUTERS
Simula noong November 2023, ay dose-dosenang drone at missile attacks na ang inilunsad ng Houthis sa mga sasakyang pandagat na dumaraan sa Red Sea, at sinabing target nila ang mga barkong may kaugnayan sa Israel bilang protesta sa giyera sa Gaza.
Itinigil ng mga ito ang mga pag-atake sa shipping lanes sa panahon ng dalawang buwang ceasefire sa Gaza. Bagama’t nangako ang mga ito an ipagpapatuloy ang mga pag-atake makaraang muling atakihin ng Israel ang Gaza noong isang buwan, wala pa silang inaaking pag-atake mula noon.

Red Crescent personnel move the body of a victim following, what Al Masirah TV said, was a U.S. strike on the Ras Isa fuel port, Yemen, in this screengrab from a handout video released on April 18, 2025. Al-Masirah TV /Handout via REUTERS
Ang nangyaring pag-atake nitong Huwebes, ay isa sa pinakamapaminsala mula nang maglunsad ng airstrikes ang Estados Unidos laban sa Houthis, sa pinakamalaki nilang military operation sa Middle East simula nang maupo sa White House si President Donald Trump.
Noong Marso, ang dalawang araw na U.S. attacks ay ikinamatay ng mahigit sa 50 katao, ayon sa Houthi officials.