Kita mula Gold jewelry smuggling sa NAIA, posibleng ginagamit sa pagpondo sa terorismo

Posible raw na ginagamit bilang pondo sa terorismo ang kita mula sa gold jewelry smuggling ng mga sindikato sa NAIA.

Ito ang inihayag ni PACC Commissioner Greco Belgica batay sa impormasyon kanilang natanggap.

Sinabi ni Belgica na maaring ang jewelry smuggling ay bahagi ng fund raising activity ng ilang mga grupong sangkot sa terorismo.

Ito ay nabatid bunsod na rin ng imbestigasyon ng PACC sa May 5 jewelry smuggling sa NAIA na kinasasangkutan ng mga balae ni dating Justice Assistant Secretary Moslemen Macarambon na sina Mimbalawang Bangsa-An Abdullah at asawa nito.

Sa pagtaya ng PACC maaring umabot na sa 10 bilyong piso ang halaga ng mga alahas na naipuslit ng mga sindikato sa NAIA at kalahati ng nasabing halaga o limang bilyong piso ang lugi ng pamahalaan dahil sa hindi nabayarang buwis.

Ayon pa sa PACC, walong grupo na binubuo ng mga empleyado ng NAIA ang sangkot sa naturang iligal na aktibidad na matagal nang nangyayari.

Sangkot din anila sa smuggling ng alahas ang ang ilang opisyal at kawani mula sa DOTr, BOC, DOJ at Department of Finance.

 

Ulat ni Moira Encina
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *