Krimen sa New York City, tumaas; Mga Pinoy doon, pinag-iingat ng konsulado

Muling pinaalalahanan ng konsulado ng Pilipinas sa New York City ang mga Filipino community doonna mag-ingat sa harap ng pagtaas ng kaso ng krimen sa lugar.

Sa statement ng Consulate General ng Pilipinas sa New York, batay sa pinakahuling statistics ng New York City Police Department (NYPD) ay umakyat sa 37 percent ang major crimes sa buong lungsod ngayong taon.

Base rin sa NYPD, 49 percent ang itinaas ng grand larceny; 46.2 percent naman sa grand larceny auto; 39.2 percent.sa robbery; at sa burglary ay 32.9 percent.

Pinagiingat din ang mga Pinoy na sumasakay sa mass transport sa New York dahil tumaas din ang transport crimes sa 55.5 percent ngayong taon kumpara noong 2021.

Dumami rin ang kaso ng hate crimes na 12.6 percent ang itinaas.

Dahil dito, pinayuhan ng konsulado ang Pinoy community doon na maging mapagmatyag sa paligid at gawin ang lahat ng pag-iingat para maiwasan na maging biktima ng krimen.

Moira Encina

Please follow and like us: