Labor Secretary Bello, pinasisibak ng labor groups

Hiniling ng labor groups kay Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin na sa pwesto si Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III.

Ito’y matapos lagdaan ni Bello ang Department Order 174 na mahigpit na nagre-regulate sa kontraktualisasyon.

Iginiit ng  grupong Partido Manggagawa, hindi sinunod ni Bello ang kautusan ni Pangulong Duterte na tuldukan na ang contractualization tulad ng naging pangako nito noong kampanya.

Para naman kay Trade Union Congress of the Philippines Spokesman Alan Tanjusay, binibigyan lamang ng laya ng naturang department order ang mga kumpanya na makatipid sa labor cost sa pamamagitan ng pagpapasa ng kanilang responsibilidad sa mga labor agency at kooperatiba.

Nakatakda namang idulog ng Federation of Free Workers ang naturang isyu kay Pangulong Duterte.

Katwiran naman  ni Bello bilang Labor Secretary limitado rin ang kanyang kakayahan na tuluyang tapusin ang Endo at contractualization sa hanay ng paggawa sa bansa.

 

 

Please follow and like us: