Lalaki, arestado sa buy- bust operation sa Quezon City

Arestado ang isang lalaki matapos mahulihan ng shabu sa Brgy. Greater Lagro, Quezon City kaninang madaling araw.

Nagpanggap na poseur buyer ang isa sa mga operatiba ng QCPD Station 5 Drug Enforcement Unit at nang magkaroon na ng pagkakataon ang mga otoridad, inaresto na nila ang suspect.

Kinilala ang suspect na si Jesus Tesoro.

Nakuha kay Tesoro ang apat na sachet ng shabu na may kabuuang halaga na 800 piso.

Aayon kay Tesoro nagawa lang niya ang pagbebenta ng iligal na droga dahil sa kakulangan ng panggastos.

Nahaharap si Tesoro sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Ulat ni Earlo Bringas

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *