Lalaki patay matapos malunod sa ilog sa Libacao, Aklan

Patay ang isang lalaki matapos na malunod sa ilog sa Brgy. Can – awan Libacao Aklan. 

Kinilala ang biktima na si Fedirico Zapico, 40 anyos at residente sa nasabing lugar.

Ayon sa inbestigasyon ng Libacao PNP, umalis sa kanilang bahay ang biktima para mangahoy, subalit sa katagalan ay hindi parin ito nakauwi kung kaya’t hinanap na ito ng kanyang ina. 

Paniwala naman ng mga kaanak nito, na inatake ng epilepsy ang biktima na naging dahilan ng pagkalunod nito dahil sa hindi naman nakitaan ng anumang sugat sa katawan.

Ulat ni Lads Ventura

Please follow and like us: