Lalaki patay ng barilin ng hindi pa nakikilalang suspect sa Caloocan City

Patay ang isang lalaki matapos barilin ng mga hindi pa nakikilalang suspect sa Barangay 176 Bagong Silang Caloocan City alas diyes kwarenta’y singko kagabi.

Kinilala ang biktima na si Virgilio Alapag 40 years old na isang tricycle driver sa lugar.

Ayon kay Alma Bayabay asawa ng  biktima wala namang kaaway ang kanyang asawa o sino man na nakaalitan nito.

Dagdag pa ng asawa wala naman itong kaugnayan o ni hindi rin ito gumagamit ng illegal na droga.

Labis naman ang paghihinagpis ng kaanak at kapatid ng biktima sa sinapit nito.

Samatala, kasalukuyan ng iniimbestigahan ng mga otoridad ang insidente para matukoy ang pagkakakilanlan sa mga suspect.

Ulat ni: Earlo Bringas

Please follow and like us: