Lamitan Basilan inabot ng matinding baha

Dalawang araw nang bumubuhos ang malalakas na pag-ulan sa bayan ng Lamitan Basilan

Nagdulot na rin ng mga pagbaha at mabilis na pagtaas ng level ng tubig sa ilang lugar sa nasaabing bayan dahil sa mga baradong kanal at ibang lagusan ng tubig.

Umapaw na rin ang tubig baha sa ilang tulay sa bayan ng Gubawan bridge sa barangay Sengal at riverside sa barangay Matibay.

Niragasa naman ng hanggang bewang at lampas taong baha ang ilang bahay  sa tabi ng nasabing mga tulay kung kaya nahirapan sa paglikas ang ilang mga residente dahil hindi nila inakala ang mabilis na pagakyat ng tubig.

Kaagad nagsagawa ng rescue ang LDRRMC at ang SCAN team ng religious group ng Iglesia Ni Cristo sa mga biktima sa mga binahang lugar.

 

 

Isa  na ang naiulat na nawawala at isa naman ang itinakbo sa ospital ng bayan na kinilalang si Valma Lintao 53 years old residente ng Riverside.

Sa kasalukuyan patuloy pa rin ang mga pagulan bagaman  bumababa na ang baha sa ilang lugar.

Ulat ni:  Christine Garcia

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Please follow and like us: