Lascañas journal sa Senate investigation imbento lang ayon sa Malakanyang

Naniniwala ang Malakanyang na gawa-gawa lamang ang journal na pinagbabatayan ng testimonya ni retired SPO3 Arthur Lascañas matapos itong bumaligtad sa isyu ng umanoy Extra Judicial Killings o EJK sa Davao City na nag-uugnay kay Pangulong Duterte noong alkalde pa ito ng lungsod.

Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo hindi gawa ni Lascañas ang ipinagmamalaki nitong journal na kinatatalaan  ng umano’y mga aktibidad ng Davao Death Squad o DDS.

Ayon kay Panelo maraming butas ang journal na iniharap ni Lascañas sa muling imbestigasyong ng Senado sa isyu ng DDS at EJK.

Si Lascañas ay bumaligtad sa nauna nitong sinumpaang salaysay na hindi totoo ang DDS noong mayor pa ng Davao City si Pangulong Duterte.

Ulat ni: Vic Somintac

 

Please follow and like us: