Lascanas, wala sa look out bulletin ng BID kaya malayang nakalabas ng bansa

Nilinaw ng Bureau of Immigration (BI) na wala sa look out bulletin nila si self-confessed killer Arturo Lascanas kaya ito ay malayang nakaalis sa bansa.

Ayon kay BI spokesperson Antonette Mangrobang, walang naging aberya sa kaniyang pag-alis papuntang Singapore kaya ito malayang nakaalis.

Dagdag pa ni  Mangrobang, pipigilan lamang nila ang isang indibidwal kung ito ay nasa listahan ng kanilang lookout bulletin o hold departure order.

Sinabi naman ng kampo ni Lascanas na kaya ito umalis sa bansa ay dahil sa mga banta sa kaniyang buhay at ang pagsampa ng kaso laban sa kaniya.

Matatandaan na noong Oktubre 2016 pinabulaanan nito na ang pagkakaroon ng Davao Death Squad subalit binawi niya ang pahayag noong Pebrero at idiniin si Pangulong Rodrigo Duterte na nasa likod ng naturang grupo.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *