Mga nagpapakalat ng maling balita tungkol sa lindol, binabalaan ng PHIVOLCS

Nanawagan ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa publiko na huwag magpakalat ng maling impormasyon na kaugnay ng malakas na lindol.

Ayon kay PHIVOLCS Director Renato Solidum, huwag basta-basta maniwala sa mga kumakalat sa social media na may magaganap na malakas na pagyanig.

Pinabulaanan din nito na nagpalabas sila ng warning na nagbabala na malapit na ang pagdating ng malakas na lindol na tatama sa bansa o ang tinatawag nilang “Big One”.

Paglilinaw pa ni Solidum walang ibinibigay na prediksyon ang kanilang tanggapan patungkol sa lindol.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.