Libu-libong households sa Marikina at San Mateo, Rizal maaapektuhan ng service interruption ng Manila Water

 

Mahigit sa 25 ,000 kabahayan sa San Mateo , Rizal at sa Marikina city  ang  maapektuhan ng  water interruption ng  Manila Water.

Ito’y dahil sa paghina hanggang sa pagkawala ng suplay ng tubig simula mamayang gabi hanggang bukas.

Ayon sa Manila Water, ang service interruption ay magsisimula  mamayang alas-10:00 ng gabi  hanggang alas-6:00 ng umaga bukas, May 18.

Kabilang sa mga apektado ang mga sumusunod na barangay:

San Mateo, Rizal:

Ampid 1, Ampid 2, Banaba, Burgos, Dulong Bayan 1, Dulong Bayan 2, Guitnangbayan 1, Guitnangbayan 2, Guinayang, Maly, Sta. Ana.

Parang, Marikina city

Sinabi ng Manila Water na ang Service interruption ay bunsod ng ikalawang bahagi ng paglilipat nila ng water supply mula sa East La Mesa treatment plant patungong Southeast main line.

 

=============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *