Lone bidder sa 2025 midterm election, sumalang na sa post qualification process

Sumalang na sa post qualification ang lone bidder para sa 2025 Automated Election System na Miru Systems Company Limited.

Limang makina ng Miru ang isinalang para sa end to end demonstration ng kanilang sistema.

Para sa Automated Election System na gusto ng Comelec dapat mayroon itong upgraded optical mark reader at may kakayahan rin para sa direct recording electronic capabilities.

Dalawang teknolohiya ito na pinagsama sa isang makina o hybrid machine.

Mas malaki rin ang screen nito kumpara sa vote counting machines.

Ayon kay Atty John Rex Laudiangco tagapagsalita ng Comelec, posibleng tumagal ng 30 araw ang post qualification process dahil lahat kailangan nilang suriin mabuti tulad kung gaano ang itatagal ng baterya nito.

Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *