Madalas na konsumo ng mga industrial meat, nakasasama sa kalusugan at kapaligiran

Nanawagan ang Greenpeace Philippines sa publiko at sa gobyerno na bawasan ang pagkain ng mga processed o industrial meat.

Ayon kay Virgie Benosa ng Greenpeace, isa ang Pilipinas sa sampung mga bansa sa buong mundo na kumokonsumo ng mga industrial meat.

Paliwanag ni Benosa na batay sa mga pag-aaral na ginawa ng World Health Organization, ang mga processed o industrial meat ay maaaring pagmulan ng sakit na cancer.

Bukod sa panganib sa kalusugan, nakakasama rin sa kapaligiran ang pagkain ng mga industrial meat kung saan nagdudulot ito ng polusyon mula sa mga ginagamit na chemical spray at nagiging dahilan rin ng deforestation.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *