House Speaker Gloria Arroyo, pabor sa federalismo pero walang intensiyong maging Prime Minister

Nilinaw ni House Speaker Gloria Arroyo na pabor sya sa isinusulong na pagpapalit ng sistema ng gobyerno patungong federalismo pero wala syang intensyong kumandidato bilang prime minister.

Nakasaad rin aniya sa draft ng constituional commission na hindi naman parliamentary ang porma ng gobyerno kaya malabo ang mga alegasyon na iluluklok sya para maging prime minister.

Sinabi ni Arroyo na kasama sya sa mga nagsusulong na matuloy ang eleksyon sa may 2019 at hindi nya papayagan ang anumang term extension.

Si Arroyo ay nasa ikatlong termino na bilang kongresista na matatapos sa June 2019.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *