Mag-asawa, kinasuhan ng BIR sa DOJ dahil sa mahigit 2 bilyong pisong utang sa buwis bunsod ng paggamit ng pekeng tax stamps sa mga produktong sigarilyo

0

Umaabot sa mahigit dalawang bilyong piso na utang sa buwis ang hinahabol ng BIR mula sa mag-asawang negosyante sa Lubao, Pampanga dahil sa paggamit ng pekeng tax stamps sa kanilang produktong sigarilyo.

Mga reklamong non-payment of excise tax at possession of counterfeit stamps sa ilalim ng National Internal Revenue Code ang isinampa ng BIR sa mag-asawang sina Mark Bryan Chan at Jeannette Chan.

Ang dalawa ang nagmamay-ari ng  factory-warehouse  sa Purok 6, San Isidro, Lubao, Pampanga na nagma-manufacture ng mga sigarilyo na may pekeng BIR stamps.

Mahigit walong milyong pekeng stamps ang nakumpiska ng BIR mula sa factory-warehouse ng mga Chan.

Nakita rin sa pagawaan ang ilang cigarette-making machines, tobacco production raw materials, ilang kahon ng BIR stamps at mga pakete ng sigarilyo.

Nabatid din ng BIR na hindi rin rehistradong excise taxpayer o kumuha ng anomang permit bilang manufacturer or importer ng mga sigarilyo.

Kabuuang 2.57 billion pesos ang buwis na hindi nabayaran ng mag-asawa dahil sa paggamit ng pekeng tax stamps.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *