Pasok sa mga Korte sa bansa sa December 26, 2018 at January 2, 2019, suspendido

Sinuspinde ng Korte Suprema ang pasok sa mga hukuman sa bansa sa December 26, 2018 at January 2, 2019.

Sa abiso ng Supreme Court Public Information Office, sinabi na ito ay para mabigyan ng pagkakataon ang mga opisyal at kawani ng Hudikatura na makapiling ng mas mahabang panahon ang kanilang pamilya ngayong Holiday season.

Ibig sabihin ay sa susunod na dalawang linggo, Huwebes at Biyernes lang ang pasok sa mga hukuman sa bansa.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *