Mag-asawang Syrian na hinihinalang miyembro ng ISIS at bomb expert, hawak na ng mga otoridad

Kinumpirma ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na hawak na ng mga otoridad ang mag-asawang Syrian na hinihinalang bomb expert at myembro ng teroristang grupo na ISIS.

Sinabi ni Aguirre na nadakip ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang mag-asawang dayuhan isa o dalawang linggo na ang nakakaraan.

Nakakulong ang dalawa sa detention center ng Bureau of Immigration sa Bicutan, Taguig.

Inaasahang ngayong araw pa lang ihahayag ang detalye kaugnay sa pagkakahuli sa mag-asawa.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us: