Maynilad, Manila Water magpapatupad ng water interruption

Nakatakdang magpatupad ng water service interruptions ang Maynilad at Manila Water.

Mawawalan ng suplay ng tubig mula mamayang alas-8:00 ng gabi hanggang  alas-5:00 ng umaga  ng April 8  ang mga customer ng Maynilad sa ilang lugar sa Caloocan, Valenzuela, Quezon City at Bulacan.

Ang customers naman ng Manila Water ay mawawalan ng tubig sa mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-6:00 ng umaga sa San Juan, Madaluyong at Marikina City.

Please follow and like us: