Mag-ingat sa ‘Pitas Gang’

LUNGSOD QUEZON, Agosto 16 (PIA) –

Babala ng pulisya sa publiko na mag-ingat sa ‘Pitas Gang.’

Ayon sa Philippine National Police (PNP), ang grupong ito ay madalas umatake sa mga pampublikong lugar at sa mga pampublikong transportasyon.

Malimit na target ng grupo ang mga pasahero ng bus, jeep at tricycle na nakaupo sa tabi ng bintana.

Ang mga bagay gaya ng relo, singsing, kwintas, cell phone at handbags ang mga malimit na tangayin ng grupong ito.

Ang grupong ito ay kilala rin sa panghahablot ng mga hikaw at bracelet.

Kaya naman payo ng pulisya na maging alerto at kung maaari, iwasan ang pagsuot o paggamit ng mga mamahaling alahas lalo na kung nasa pampublikong lugar.

(PNP/JEG/PIA-NCR)

– See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/241439531580/mag-ingat-sa-pitas-gang-

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.