Magkapatid na Parojinog pormal nang sinampahan ng kasong kriminal sa Korte

Pormal nang naisampa sa Korte ang mga kasong kriminal laban sa magkapatid na Parojinog na naaresto sa raid ng pulisya sa kanilang compound sa Ozamiz City noong Linggo.

Ang kaso ay inihain sa Ozamiz City Regional Trial Court.

Kinasuhan sa Korte sina Ozamiz Vice Mayor Princess Nova Parojinog at Reynaldo Parojinog Jr. ng illegal possession of firearms and ammunition at sinampahan din ng kasong  illegal possession of dangerous drugs.

Karagdagang reklamo na illegal possession of explosives ang inihain naman laban kay Reynaldo Jr.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *