Paglagda ni Pangulong Duterte sa Free College Education Law, pinuri ni Rep. Zarate

Pinuri ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate si Pangulong Rodrigo Duterte sa paglagda nito sa Free College Education Law.

Sinabi ni Zarate, ikinatuwa nila sa Makabayan bloc ang ginawang pakikinig ng Pangulo sa panawagan ng publiko kaysa sa kanyang mga economic manager.

Gayunman, iginiit ng mambabats na hindi pa rito natatapos ang tagumpay ng sambayanan dahil kailangan pang maglaan ng budget ang Kongreso para dito.

Kaugnay nito, nanawagan si Zarate sa mga kapwa mambabatas na paglaanan ng pondo ang libreng pag aaral sa kolehiyo para sa kapakanan ng mga kabataan at ng bansa.

Hinimok din nito ang pamunuan ng mga State Colleges and Universities lalo na ang University of the Philippines na ihinto na ang paniningil ng matrikula at hayaang makapag enrol ang mga estudyante.

Ulat ni: Madelyn  Villar – Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *