Magtataas ng Entrance Fee ang Puerto Princesa Underground River

Ang Management ng Puerto Princesa Underground River (PPUR) ay nag iisip ng pagtaas ng entrance fee sa bagong 7 wonders of the world.

Batay  sa isang interview, Sinabi ni  park superintended Elizabeth Maclang na sila ay nag po- propose ng pagtaas ng entrance fee mula PHP175 ay magiging PHP250 para sa mga domestic tourist at PHP350 naman para sa foreign.

Ang proposal ngayon ay nasa Sanguniang Panglunsod para mapag usapan .

Ayon kay Maclang, ang nasabing pagtaas ay dahil sa kailangang magdagdag ng pondo para sa maintenance ng mga caves at ng buong lugar.

Kung ang proposal ay maipapasa at maaprubahan ng Sangguniang Panglunsod, ang pagtaas ay makakatulong rin sa pag papatupad at pagpapabuti ng Sabang Wharf.

 

(Philippines News Agency)

Please follow and like us: