Mahigit 3,000 katao sa Colombia, apektado na ng Zika Virus

Mahigit labing tatlong libo-katao na sa Colombia ang apektado ng Mosquito-Borne Zika Virus at maaari pang tumama sa mahigit pitong daang libo-katao.

Pumapangalawa ang Colombia sa Brazil sa infection rates. 560 nagdadalang tao naman ang kabilang na sa mga naimpeksyon ng Zika virus.

Sa kasalukuyan, wala pa namang naitatalang kaso ng bagong panganak na sanggol na nakakaranas ng isang congenital defect sanhi ng nasabing virus.

Nag-abiso naman ang Colombian government sa mga kababaihan ng bansa na iwasan muna ang pagbubuntis sa loob ng anim hanggang walong buwan upang maiwasan ang posibleng impeksyon.

Please follow and like us: