Mahigit 8,000 bagong mga kaso ng Covid-19, naitala ng DOH ngayong Biyernes

Nakapagtala ang Department of Health ng 8,748 bagong kaso ng COVID 19 sa bansa.

Dahil rito, pumalo na sa 1,209,154 ang kabuuang kaso ng COVID 19 sa bansa.

Sa bilang na ito 53,770 naman ang aktibong kaso.

May 3,017 naitalang bagong gumaling mula sa COVID 19.

Sa ngayon, umabot na sa 1,134,818 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa virus.

May 187 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon, umabot na sa 20,566 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: