Mahigit 6,000 bagong kaso ng COVID-19 naitala sa bansa

Nakapagtala ang Department of Health ng 6,483 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Dahil rito, pumalo na sa 1,200,430 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa bilang na ito, 48,109 naman ang aktibong kaso.

May 4,335 naitalang bagong gumaling mula sa COVID-19.

Sa ngayon, umabot na sa 1,131,942 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa virus.

May 210 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon, umabot na sa 20,379 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: