Mahihirap na biktima ng krimen at complainants sa DOJ, pagkakalooban ng pinansiyal na tulong at psychosocial support ng DSWD

0
DOJ FACADE

Pumasok sa kasunduan ang Department of Justice (DOJ) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) para mabigyan ng pinansiyal na tulong at psychosocial support ang mga indigent o mahihirap na biktima ng krimen at complainants.

Sa memorandum of understanding (MOU) na nilagdaan ng mga opisyal ng DOJ at DSWD, magkakaroon ng Client Referral and Psychosocial Intervention Program para mabigyan ng suporta at tulong ang mga mahihirap na complainants, litigants, at mga biktima na ikinukonsidera ring individuals in crisis para maipursige ang kanilang kaso.

Ang mga kliyente na madedeterminang kuwalipikado para sa programa ay iri-refer ng DOJ sa DSWD para mabigyan ng tulong gaya ng medical, psychological, transportation, at funeral assistance.

Ayon kay Justice Secretary Crispin Remulla, “Justice does not end in the courtroom but continues in the lives of the people we continue to uplift and the dignity we restore.”

Sinabi naman ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, “When those in crisis are unable to pursue justice they r also denied the opportunity to achieve full development in all aspects of their lives.”

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *