Maila Ting-Que, bagong alkalde ng Tuguegarao City

Opisyal nang ipinahayag ng Comelec ang pagkapanalo ni Maila Ting-Que bilang alkalde ng Tuguegarao City.

Si Ting-Que ay nakakuha ng 39,919 na boto sa siyudad habang ang kanyang katunggali na si incumbent Mayor Jefferson P. Soriano ay nakakuha ng 37,552.

Si Maila Ting-Que ay incumbent City Councilor at Ex-officio Board Member at ang kauna-unahang babaeng alkalde ng siyudad ng Tuguegarao.

Samantala, nagpasalamat ang dating alkalde na si Atty. Jefferson Soriano sa mga sumuporta sa kaniya sa panahon ng kaniyang panunungkulan bilang Alkade ng siyudad.

Report ni Nhel Ramos

Please follow and like us: