Makabayan Bloc sa Kamara, binatikos ang pag reject ng CA sa ad interim appointment ni DAR Sec. Rafael Mariano

Binatikos ng mga miyembro ng Makabayan Bloc sa Kamara ang pag reject ng Commission on Appointments sa ad interim appointment ni DAR Sec. Rafael Mariano.

Ayon kay Anakpawis Partylist Rep. Ariel Casilao isang malaking pagkakamali ang ginawa ng CA .

Para sa kongresista,  maituturing din disaster para sa mga magsasaka ang rejection kay Mariano.

Dagdag pa ni Casilao, mistulang nauulit na ngayon ang sitwasyon gaya ng panahon ng Aquino admin na walang kakampi ang mga magsasaka.

Sinabi naman ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate na ang tiyak na tuwang tuwa sa pangyayaring ito ay ang mga may ari ng lupa na apektado ng pinatutupad na genuine Agrarian Reform at landgrabbers.

Kaugnay nito, sinabi ni Zarate na magkakaroon ng emergency meeting ang Makabayan Bloc sa susunod na linggo para pag aralan kung mananatili pa sila sa  Majority coalition sa Kamara.

Ang Makabayan Bloc ay binubuo ng Anakpawis, Bayan Muna, Kabataan at Gabriela.

Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *