Malakanyang ikinalungkot ang pagbasura ng CA sa appointment ni DAR Secretary Rafael Mariano

Ikinalungkot ng Malakanyang ang desisyon ng makapangyarihang Commission on Appointments o CA na nagbabasura sa appointment ni Department of Agrarian Reform o DAR Secretary Rafael Mariano.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella malaking papel sana ang gagampanan ni  Mariano para mapaangat ang kalagayan ng mga magsasaka.

Ayon kay Abella pinasasalamatan ng Malakanyang ang dedikasyon ni Secretary Mariano sa pagganap ng kanyang tungkulin.

Si Mariano ay ikaapat na cabinet appointee ni Pangulong Duterte na ni-reject ng CA pagkatapos nina dating DFA Secretary Perfecto Yasay, DENR Secretary Gina Lopez at DSWD Secretary Judy Taguiwalo.

Ulat ni:Vic Somintac

 

 

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *