Malacanang, dismayado sa patuloy na operasyon ng iligal na droga sa loob ng NBP

Dismayado ang Malacañang dahil sa patuloy na operasyon ng iligal na droga sa loob ng New Bilibid Prisons.

Ito’y matapos aminin mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na alam niya ang pagkakasangkot ng ilang miyembro ng elite force ng Philippine National Police Special Action Force  sa illegal drug trade sa bilibid.

Ayon kay  Communications Sec. Martin Andanar,  “frustrated” si Pangulong Duterte dahil kahit na sinong italagang mamamahala ng Bureau of Corrections ay mahirap puksain ang paglaganap ng bawal na gamot sa pambansang piitan.

Gayunman, sinabi ni Andanar na posibleng tanggap na ng Presidente na malaking problema ng bansa ang drug trade kaya wala siyang sinisisi sa pagbabalik ng nasabing iligal na gawain.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *