Malacanang, naglabas ng mga larawan na nagpapakitang maayos ang kalagayan ng Pangulo

working digong

Courtesy of Wikipedia.org

download
courtesy of wikipedia.org

Naglabas ng mga larawan ni Pangulong  Duterte ang Malacañang na nagpapakitang maaayos ang kalagayan nito.

Sa mga inilabas na Presidential photos, makikita ang Pangulo na bumibisita at nakikipag-kamay sa mga opisyal ng Philipine Air Force sa Villamor Air Base sa Pasay City.

Kuha ang mga naturang larawan Huwebes ng hapon, batay sa caption nito.

Una rito, ilang larawan rin ng Pangulo na nagtatrabaho sa Bahay Pagbabago ang inilabas ni Special Assistant to the President Bong Go.

Simula noong Lunes, hindi nakadalo sa ilang aktibidad ang Pangulo kaya lumutang ang mga spekulasyon na may karamdaman ito.

Gayunman, iginiit ng Malacañang na napagod lamang ang Pangulo noong weekend kaya hindi ito nakadalo sa ilang okasyon kabilang na ang selebrasyon ng araw ng kalayaan noong June 12.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *